Opisyal nang ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Tagum ang 200 bagong bahay para sa mga miyembro ng Masandag Tribe sa Masandag Tribal Village, Barangay Canocotan, Tagum City, Davao del Norte nito lamang ika-12 ng Hulyo, 2024.
Personal namang dumalo sa makabuluhang kaganapan na ito sina Tagum City Mayor Rey T. Uy, Engr. Clemente A. Dayor, Regional Manager, National Housing Authority gayundin ang iba pang konsehal ng lungsod.
Dagdag pa, patuloy na susuportahan ng butihing mayor ang mga katutubo sa lungsod kung kaya naman ay nakaplano na ang pagpapaganda ng pasilidad ng Masandag Tribal Village at sa katunayan ay nakaplano na ang pagpapatayo ng covered at pagpapasemento sa mga daan rito.
Ito ay isa lamang sa maraming proyekto ng lungsod na patunay sa walang-sawang pagpapahalaga at pag-iingat ng pamahalaang lungsod ng Tagum sa mga kultura at mga residente nito.
