Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways Region-9 (DPWH-9) ang road asphalt overlaying sa higit na 2,000 linear meters ng kalsada sa Barangay Lutiman sa bayan ng Alicia sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.

Ang pondo ng proyekto na nagkakahalaga ng higit sa ₱38.7 million ay hinatak ng Kagawaran mula sa General Appropriations Act (GAA) of 2023.

Ayon kay Engr. Cayamombao Dia, Regional Director ng DPWH-9, ang pag-aspalto ng Lutiman-Guicam-Olutanga Road ay bahagi ng preventive maintenance sa layuning mapahaba ang buhay ng naturang kalsada.

Ang implementasyon ng proyekto ay pinangangasiwaan ng DPWH Zamboanga Sibugay 1st District Engineering Office.

Sangkap din ito ng reflectorized thermoplastic pavement markings para sa kaligtasan ng mga motorista.

Ang proyekto ay bahagi pa rin ng infrastructure flagship projects ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ilalim ng kanyang “Build, Better, More” Development Agenda para sa minimithing Bagong Pilipinas.

Photos: DPWH-9

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *