Nagsagawa ng Tulong Dunong Program ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa mga piling estudyante ng University of Southern Mindanao (USM) sa Kabacan, Cotabato nito lamang ika-24 ng Hulyo 2024.

Pinangunahan ni TUCP Partylist Representative Raymond Democrito C. Mendoza, katuwang ang Commission on Higher Education o CHED ang naturang aktibidad. Dito tinanggap ng isang 100 “grantees” na nasa kolehiyo ang tig-P7,500 na ayuda para sa unang semestre ng taon.

Naglaan ang TUCP, katuwang ang CHED ng tig-P15,000.00 na “allowance” kada taon.

Layunin ng programa na mapagkalooban ng tulong-pinansyal ang mga mag-aaral na dumaranas ng kahirapan sa buhay.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *