Naghandog ng honorarium ang Pamahalaang Panlalawigan ng Davao de Oro para sa mahigit 2,100 na Barangay Functionaries nito lamang ika-25 ng Hulyo, 2024 sa Mega Tent, Provincial Capitol Grounds, Davao de Oro.

Kabilang sa mga malugod na nakatanggap ay ang Barangay Agricultural Extension Worker (BAEW), Kasangga ng Kapayapaan sa Probinsya (KKP), Lupong Tagapamayapa at mga barangay tanod ng Mawab at Nabunturan.

Dagdag pa, ang pamamahagi ng honorarium ay nagsilbing pasasalamat ng lalawigan sa pagsisilbi ng mahalagang mga kawani sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *