Umarangkada ang Handog Titulo Program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region IX at naipamahagi sa 425 na mga benepisyaryo sa Zamboanga Peninsula mula taong 2022 noong Hulyo 24, 2024.

Ayon kay DENR IX Regional Executive Director Arturo Fadriquela, nakahandang tumulong ang naturang kagawaran na mabigyan ng land patent ang mga kababayang Pilipino lalo na kung sila ang ‘legal claimant’ at walang ibang nag-aangkin ng mga lupain na tinaguriang “alienable and disposable”.

Ang Handog Titulo Program ng DENR ay pinapabilis ang issuance ng mga titulo ng lupa sa mga kwalipikadong benepisyaryo, pagpapatibay ng land security, at pagsulong ng socio-economic development sa pamamagitan ng legal na patunay ng pagmamay-ari.

Photo Courtesy: DENR IX

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *