Matagumpay na isinagawa ang Quick Relief Assistance Program sa Evacuation Center, Zamboanga City noong Sabado ika- 27 ng Hulyo 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Local Government sa pangunguna ni Hon. John M. Dalipe, City Mayor, Cong Mannix, House Majority Leader katuwang ang mga personahe ng Zamboanga City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Kimberly E Molitas, Officer-In-Charge.
Naghatid ng serbisyong pampubliko ang naturang aktibidad sa pamamagitan ng relief assistance at pamamahagi ng food packs, hygience kits at de lata para sa mga residente na biktima ng sunog.
Layunin ng aktibidad na bigyang malasakit ang mga mamamayan at iparamdam ang pagmamahal ng mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno katuwang ang pulisya.