Davao de Oro— May kabuuang 98 na magsing-irog ang ikinasal sa Kasalang Bayan 2023 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao de Oro sa Zubiri Gym, Capitol Complex, Davao de Oro nito lamang Hunyo 28, 2023.

Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao de Oro ang naturang aktibidad na may temang “Road to Forever, The Gworks Way”. Binigyang diin naman ni Judge Cresenciana DC. Cruz, the Administering Officer, na ang pagpapakasal ay isang pang-habambuhay na pangako na “ito ay no return, no exchange, even if the seal was broken…the marriage of two people is always a serious and solemn event.”

Ayon pa kay Judge Cruz, na sa ilalim ng umiiral na jurisprudence, maaaring piliin ng nobya kung gagamitin o hindi ang apelyido ng nobyo pagkatapos ng kanilang kasal. “Wala pong batas na nagsasabi na ang babaeng ikinasal ay dapat gamitin ang apilyedo ng kanyang asawa.

Samantala, nagpahayag ng pasasalamat si Gobernador Dorothy Montejo-Gonzaga sa pagsisikap ng lahat tungo sa tagumpay ng kaganapan. Binati niya ang mga bagong kasal at umaasa ng isang maunlad at magandang kinabukasan para sa kanila.

Pinangasiwaan naman ni Pastor Sabado Ombelayan ang panalangin/pagpapala at ibinahagi ang salita ng Diyos sa mga bagong kasal, na nagpapaalala sa kanila na pangalagaan ang kanilang relasyon. Pagkatapos ng mass wedding, bawat mag-asawa ay nag-uwi ng wedding cake, grocery package, at P1,000 cash gift mula sa provincial government.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *