Davao City- Ang Davao Coastal By-Pass Road (Bago Aplaya-Times Segment) ay binuksan na nito lamang Hulyo 1, 2023.
Ang Davao City coastal road bypass project ay dadaan mula Roxas Avenue hanggang Bago Aplaya, tatawid sa NHA Kadayawan Homes, Matina Aplaya, at Bolton Isla.
Ito ay dinaluhan mismo ni Vice President Sara Z. Duterte, Senator Imee R. Marcos, Special Assistant to the President (SAP) Antonio Ernesto F. Lagdameo Jr., DPWH Secretary Manuel Bonoan, Davao City Mayor Sebastian Z. Duterte, at Vice Mayor Atty. Jay Quitain Jr., at iba pang prominenteng personalidad.

Mayroong tatlong rotonda ang ilalagay sa 35 kilometrong coastal stretch sa Roxas Avenue, Times Beach, at Matina Aplaya. Ang Davao Coastal Road ay isa sa mga malaking proyekto ng Department Public Works and Highway o DPWH na naglalayong bawasan ang trapiko sa Davao City na may 17.783 km na haba at 23 meters na lapad, mayroong apat na linya at slope protection sa bawat gilid ng kalsada.
Kabilang dito ang pagtatayo ng anim na tulay na may kabuuang 2,170.80 linear meter. Ang bahagi lang Bago Aplaya-Times Beach ng DCBPR ang magbubukas para sa mga motorista sa July 1. Ang pagtaas ng populasyon at patuloy na pag-unlad ng Davao Region ay nagdulot ng lumalalang pagsisikip ng trapiko sa loob ng mga pangunahing kalsada nito. Ang coastal road project ay tiyak na mapapawi at matutugunan ang pagsisikip ng trapiko sa loob ng lungsod.