General Santos City – Nagsagawa ng Lingap galing sa puso para sa Tribu na pinangunahan ang mga tauhan ng Local Government Unit na ginanap sa Barangay Olympog, General Santos City nito lamang ika-29 ng Hunyo 2023.
Pinangunahan ni City Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao ang naturang aktibidad katuwang ang mga tauhan ng LGU Gensan.
Tumanggap ang mga benepisyaryo ng mga libreng gamot at nagkaroon ng libreng check-up, birth registration, pamamahagi ng mga punla at payong.
Nakiisa din sa aktibidad ang Gensan PNP upang matiyak ang seguridad ng naturang programa. Nagpapasalamat naman ang mga residente dahil sa patuloy ang pagtulong ng mga programa ng pamahalaan sa kanilang komunidad.