Nagsagawa ng pamamahagi ng Fertilizer Discount Vouchers ang Department of Agriculture 12 sa mga magsasaka ng Pigcawayan, North Cotabato nito lamang ika-6 ng Agosto 2024.

Pinangunahan ni Field Office-12 Regional Executive Director Roberto T. Perales, ang naturang pamamahagi ng nasabing FDV.

Nabigyan nito ng pagkakataon ang mga magsasakang makabili ng mga pataba sa abot-kayang halaga dahil sa diskwento o subsidiyang nagmumula sa “Fertilizer Discount Vouchers o FDV” na nagkakahalaga ng P3,400 mula sa pondong inilaan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF ng Kagawaran ng Pagsasaka.

Idinaos ang pamamahagi ng FDV sa 2,454 na “rice farmers” mula sa bayan ng Pigcawayan. Ito ay bahagi ng 10,215 na kabuoang bilang ng “FDV beneficiaries” sa buong lalawigan. Ang tinanggap na FDV ng mga nabanggit na mga benepisyaryo ay maaari ng maipresinta sa mga “DA-authorized merchant” o kwalipikadong tindahan at distributor upang ma-avail ang diskwento sa presyo ng mga pataba.

Layunin ng programang ito na mabigyan ng tulong ang mga magsasaka sa pagbibigay ng discount sa pagbili ng mga pataba para sa kanilang pananim.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *