Nakatanggap ang isang 100 taong gulang na Caraganon ng Php100,000.00 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga sa Bislig City Cultural & Sports Center.

Pinarangalan si Lolo Esmael Jarina ng Bislig City ng Php100,000.00, Sertipiko ng Pagkilala, at Liham ng Pagbati mula sa Pangulo ng Pilipinas.

Nabatid na si Lolo Esmael ay isang ehemplo ng tibay at dedikasyon, at ang kanyang kwento ay nagbigay ng pag-asa at inspirasyon sa mga dumalo sa seremonya.

Ang kanyang pagbati mula sa Pangulo ng Pilipinas at ang natanggap niyang parangal ay patunay ng pagkilala at paggalang na nararapat sa mga tulad niyang umabot sa ganitong kahanga-hangang edad.

Kasama ng DSWD Field Office Caraga sa seremonya ng paggawad ay sina Bislig City Mayor Hon. Florencio Garay kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod (SP), City Social Welfare and Development Office (CSWDO), at ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA).

Ipinakita ang kanilang buong suporta at pagpapahalaga sa mga senior citizens ng lungsod.

Ang kaganapang ito ay nagpaalala sa lahat ng kahalagahan ng pagkalinga at pagpapahalaga sa ating mga nakatatanda, at ang walang hanggang biyaya ng Diyos sa kanilang mahabang buhay na tinatamasa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *