Narekober ang isang granada ng mga awtoridad sa tapat ng Café Mindanaw sa Rosary Heights, Cotabato City nito lamang ika-10 ng Agosto 2024.

Ayon sa ulat ng Cotabato City PNP, ang granada ay ihinagis umano at masuwerteng hindi sumabog.

Nabatid na ang Café Mindanaw ay pag-aari ng pamilya ng abugadong si Naguib Sinarimbo, dating BARMM local government minister na ngayon ay isang opisyal ng Cotabato City Group ng Serbisyong Inklusibo, Alyansang Progresibo Regional Party.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang motibo at mahuli ang suspek higgil sa insidente.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *