Opisyal nang sinimulan ng mga Dabawenyo ang pagdiriwang ng pinaka-aabangang Kadayawan Festival nito lamang Agosto 8, 2024 sa Kadayawan Village, Magsaysay Park, Davao City.

Ang Kadayawan Festival ay isang makulay, masigla, at makabuluhang selebrasyon na nagtatampok ng kagandahan ng kalikasan, kultura, at tradisyon ng Davao City.

Pinangunahan naman ni Davao City Mayor Hon. Sebastian Z. Duterte, ang pagbubukas ng naturang festival at sinimulan sa isang Kadayawan Village Tour na ipinagmamalaki ang 11 tribo sa lungsod ng Davao.

Kasunod naman nito ay isinagawa ang opening program proper na may temang “Pag-Abli sa 39th Kadayawan”. Inaasahan ng Davao City Government ang pagdagsa ng turista at bisita sa naturang lungsod.

Samantala, naka-antabay na man ang Davao City PNP upang siguruhin ang kaligtasan at kapakanan ng mga Dabawenyos at turista na makiki-indak at makikisaya sa Kadayawan Festival.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *