Pinamgunahan ng Department of Agriculture Regional Office-9 (DA-9) ang Rice Information Caravan sa bayan ng Tigbao sa lalawigan ng Zamboanga del Sur noong Agosto 8, 2024.
Ang mga kalahok sa naturang aktibidad ay ang mga rice farmer, at ang mga Municipal Agricultural Extension worker sa bayan ng Tigbao na pinamimunuan ni Municipal Agriculturist na si Ginoong Cresencio Longaquit Jr.
Hinimok ng DA-9 ang kalahok na mga magsasaka na i-update o himaton ang kanilang Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA) record upang makapag-avail sa iba’t ibang mga proyekto at interbensyon ng DA sa ilalim ng Rice Program tulad ng binhi, abono, tulong pinansyal, training at seminar, at sa mechanization and irrigation program na ibinibigay ng Kagawaran sa mga magsasaka.
Layon ng aktibidad na mabigyan ng kamalayan ang mga magsasaka tungkol sa good agricultural practices upang mapalago ang produksyon ng palay sa bayan ng Tigbao.