Umarangkada ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Services on Wheels sa Barangay Lunday, Sibuco, Zamboanga del Norte nito lamang ika-9 ng Agosto 2024.
Ito ay naging posible sa pagsisikap ng Community Environment and Natural Resources Office o CENRO ng Siocon sa pangunguna ni CENR Officer Rey Jalandoni,
Ilan sa mga sernisyong hatid ay ang free patent applications para sa agriculture at residential, land status requests, resolution of land claims and conflicts, tree-cutting requests sa loob private plantations, chainsaw registration, private tree plantation registration, at Community PanTREE.
Umabot naman sa 405 grafted durian, 505 grafted rambutan, 405 grafted Chinese pomelo, 505 mangosteen seedlings, 505 narra seedlings, at 505 bamboo culms ang naipamahagi ng CENRO Siocon sa mga residente.
Ipinamahagi din sa naturang aktibidad ang 454 na renewed Certificate of Stewardship Contracts (CSCs) sa mga recipients mula sa Barangay Lunday, Dinolan, at Culaguan sa nasabing bayan.
Layon ng inisyatiba na maibigay ang key environmental services ng DENR, at maturuan ang lokal na mga residente hinggil sa mga environmental issue at ang papel ng bawat isa upang matugunan ito.