Butuan City – Timbog ng mga otoridad ang limang illegal miners sa kabundukan ng Purok 3, Brgy. Don Francisco, Butuan City, Agusan del Norte bandang 12:00 ng tanghali nito lamang Biyernes, Agosto 9, 2024.

Kinilala ang naaresto na alyas “Jod”, 26, at alyas “Jon”, 53, na pawang residente ng P-1, Brgy. Bilay, Butuan City ; alyas “Las”, 47, residente ng P-12, Brgy. Magkayangkang, Butuan City; alyas “Del”, 49, residente ng P2 Brgy. Villa Undayon, Bayugan City at alyas “Mar” , 53 anyos, at residente ng P-7, Brgy. Bilay, Butuan City.

Ayon sa Butuan City Police Station 4, isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon na may nangyayaring ilegal na aktibidad sa pagmimina sa naturang lugar.

Bigong magpakita ng permit ang lima kaya hinuli at narekober ang mga pampasabog tulad ng 1.6kg ng Ammonium Nitrate; fuel oil; anim na piraso ng non-electric blasting cap; 11.6ft time fuse; isang improvised wooden flushing box at isang wooden pan; isang black basin; isang screen na may buhangin; 100 metro ng electrical wire na may socket; isang asul na lalagyan; tatlong asul na hose na may tinatayang haba na 30 metro bawat isa; at isang pala.

Samantala, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA No. 9516, amending the provision of Presidential Decree No. 1866 o “Codifying the laws on illegal/unlawful possession, manufacture, dealing in, acquisition or disposition of firearms, ammunition or explosives.”

Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaligtasan ng bawat mamamayan at paghuli sa mga taong may atraso sa batas at ilagay sa likod ng rehas.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *