Sumuko ang walong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa mga awtoridad sa Maguindanao del Sur nito lamang Sabado, ika-10 ng Hulyo 2024.
Napag-alaman na kabilang sa sumuko ay isang Peace Program Officer ng Ministry of Public Order and Safety sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MPOS-Barmm); at Focal Person ng Agila-Haven.
Tinurn-over ng mga sumuko ang isang caliber .45 pistol; isang caliber .38 pistol; isang caliber .30 Carbine rifle; isang 5.56-killometer (mm) revolver pistol; isang 40-mm M203 Grenade Launcher; isang 40-mm Rocket-Propelled Grenade (RPG) launcher; isang caliber .30 M1 Garand rifle; isang 5.56-mm machine gun; isang caliber .45 magazine; tatlong rounds cartridge ng caliber .45 pistol; isang round cartridge ng RPG; at isang caliber .30 Garand rifle.
Patuloy ang paghina ng insurhensya at terorismo sa bansa, indikasyon na epektibo ang pamamaraan ng pamahalaan upang mas maging payapa at maunlad ang ating bansa.