Sultan Kudarat – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga Lokal na Pamahalaan ng Sultan Kudarat sa Barangay Bual, Isulan, Sultan Kudarat nito lamang ika-30 ng Hunyo, 2023.

Pinangunahan ang aktibidad ng Lokal na Pamahalaan ng Sultan Kudarat, Force Multipliers at Isulan PNP na boluntaryong nakiisa sa aktibidad.

Mahigit 100 na punla ang kanilang pinagtulungang itanim.

Nagpasalamat naman ang mga residente ng naturang lugar dahil mapapakinabangan ang mga punla sa susunod na henerasyon na naglalayong panatilihin ang sariwang hangin at upang maiwasan ang mga sakuna sa oras ng malakas na ulan at land slide.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *