Sultan Kudarat – Hindi na nakapalag ang isang Non-Government Organization (NGO) worker makaraang ihain ng mga otoridad ang nakabinbin na warrant of arrest sa Brgy. Poblacion, Kalamansig, Sultan Kudarat nito lamang Hulyo 1, 2023.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Aileen”, 41-anyos, NGO worker na kaanib sa Rural Missionaries of the Philippines – Northern Mindanao Region, at residente ng Barangay Sta. Clara, Kalamansig, Sultan Kudarat.

Batay sa ulat, bandang 9:00 ng umaga nang naaresto si alyas “Aileen” sa bisa ng warrant of arrest laban sa suspek na ipinalabas ng Regional Trial Court, Branch 1, Iligan City, Lanao Norte kaugnay sa kasong 55 counts of Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 (8 (11) ng RA 10168 na walang rekomendadong piyansa.

Nanawagan naman ang PNP sa iba pang tagasuporta ng teroristang grupo na itigil ang pagbibigay ng pinansyal at materyal support sa mga komunistang rebelde sa kung anumang pamamaraan dahil ito ay paglabag sa Executive Order 733 at sa RA 10168.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *