General Santos City — Nagturn-over ng brand new motorcycles, heavy equipment, vehicles at rescue equipment ang Pamahalaan ng General Santos City sa iba’t ibang opisina ng Lokal na Pamahalaan na ginanap sa Oval Gymnasium, General Santos City nito lamang ika-3 ng Hulyo 2023.

Pinangunahan mismo ni City Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao ang pamamahagi ng mga sasakyan katuwang ang mga City Councilors na sina Hon. Virgie Llido Hon. Odjok Acharon, Hon. Jonathan Blando, Hon. Richard Atendido, Hon. Jun Lagare, Atty. Jong Gonzalez at si HRMDO Head Atty. Rosendo Roque.

Nabatid na 12 units ng brand new ambulance at isang patrol vehicle ang ibinigay sa PSO, 10 na bagong mga motorsiklo sa OBO habang isang brand new Rescue Truck, Hino Truck, at isang Backhoe Loader naman sa CEO. Isang yunit naman ng L300 Vehicle naman ang tinaggap ng CAO. Habang ang City Prosecutor Office naman ay nakatanggap ng isang Brand new Motorcycle.

Samantala, 80 units ng Brand new wheelchair ang pinamahagi ng pamahalaan sa opisina ng PDAO.

Layunin nito na mapataas ang mobility o kakayahang bumiyahe ng mga opisyal at tauhan ng pamahalaan para makapaghatid ng agarang responde o aksyon at tulong sa mamamayan na nangangaialangan.

Source: Office of the City Mayor

              Hon. Lorelie G Pacquiao

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *