Nagsagawa ng Medical at Dental Outreach Program ang mga tauhan LGU Cotabato sa Purok 3, Poblacion, Carmen, Cotabato nito lamang ika-12 ng Agosto 2024.
Pinangungunahan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) ang naturang Serbisyong Totoo medical team katuwang ang mga Barangay Health Worker ng naturang lugar.
Dito ay nakapagbigay ng libreng serbisyong medikal sa 311 residente, habang 25 na pasyente naman ang nabigyan ng dental check-up. Pitong batang lalaki rin ang sumailalim sa libreng tuli at limang malnourished children naman ang nabahagian ng complimentary food packages (CFP).
Bukod sa mga serbisyong medikal at dental na natanggap ng mga residente, namahagi rin ng 155 na pares ng antipara para kay lolo at lola na bahagi ng programa.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng serbisyong medikal ang mga mamamayan ng Cotabato lalo na ang mga senior citizens.