Patuloy ang pagbisita ng Office of the City Veterinarian (OCVET) sa iba’t ibang barangay sa Zamboanga upang magbigay ng libreng bakuna kontra rabies sa mga alagang aso at ibang household pet noong Agosto 11, 2024.
Ayon kay Acting City Veterinarian Dr. Arcadio Cavan, may sapat na bakuna ang Zamboanga at tuloy-tuloy ang pagpapatupad ng mass vaccination sa mga barangay sa pamamagitan ng pitong veterinary field offices at itinalagang mga vaccination center.
Ang Oplan Alis Rabies ay isang mass anti-rabies vaccination program ng OCVET na taunang isinasagawa na may layuning mapigilan ang pagkalat ng sakit na rabis sa komunidad.