Pinasinayaan ang pinakaunang Bagong Urgent Care and Ambulatory Services(BUCAS) Center sa lungsod ng Tagum nito lamang Agosto 13, 2024 na itinayo sa CDRRMO Compound, Davao del Norte.
Handog ng BUCAS Center sa pakikipagtulungan ng Davao Regional Medical Center ay libreng doctor consultation, laboratory services, minor surgeries at dental clinic.
Dagdag pa, ang Outpatient Department ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Personal na nakiisa sa Inauguration Ceremony si Department of Health USEC Dr. Abdullah B. Dumama Jr., DOH XI Asst. Regional Director, Dr David Mendoza, DRMC Medical Center Chief II, Dr. Bryan Dalid at DRMC Chief Training Officer, Julmin Tagsiril II.
Patuloy ang pamahalaan na ayusin ang serbisyo medikal para sa lahat upang magkaroon ng isang progresibo at maunlad na bansa.