Nakiisa ang lungsod ng Isabela sa pagdiriwang ng National Lung Month noong Agosto 12, 2024.

Inilunsad ng Isabela City Health Office sa pamamagitan ng National Tuberculosis Control Program, Department of Health (DOH) – Zamboanga Peninsula Center for Health Development (ZPCHD) kasama ang Philippine Business for Social Progress (PBSP) Advancing Client-centered Care and Expanding Sustainable Access for TB (ACCESS TB) ang naturang selebrasyon sa Covered Court ng Barangay Sumagdang na may temang: “Hingang ginhawa kapag healthy lungs ang buong pamilya.”

Kabilang sa mga serbisyong pangkalusugan na ibinahagi sa publiko ay ang libreng mobile chest x-ray bilang bahagi ng Active Case Finding (ACF) para sa tuberkulosis, libreng medical check-up at mga gamot, laboratory testing at libreng PCV-23 injection para sa mga senior citizen.

Ang National Lung Month ay taunang ginugunita kada Agosto na may layuning itaas ang kamalayan ng publiko hinggil sa malusog na pangangatawan partikular na kung paano alagaan ang baga laban sa mga sakit tulad ng tuberkulosis.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *