Idinaos ang Gender Sensitivity Training ng Pamahalaan Panlalawigan ng Cotabato sa mga kawani ng Kapitolyo sa Brgy. Pangao-an, Magpet, Cotabato nito lamang ika-13 ng Agosto 2024.

Ito ay pinangasiwaan ng Provincial Governor’s Office-Population, Gender and Development (PopGAD) sa pamumuno ni Cora G. Arances.

Sa naturang aktibidad, karagdagang 37 na mga kawani ng kapitolyo mula sa iba’t ibang departamento ang aktibo at masayang nakibahagi sa mga aktibidad at lectures ukol sa mga sumusunod: Self Introspection (Who Am I as an Employee), Basic Gender Concepts and Issues, Historical Perspective of Gendering Process, at marami pang iba.

Sa pamamagitan nito, mapapanatili rin ang pagbibigay ng dekalidad na serbisyo sa taumbayan, maiiwasan ang karahasan, at maipapataas ang respeto sa karapatang pantao, saan man at kanino man.

Layunin din nito na paigtingin ang “gender mainstreaming” sa probinsya upang makabuo ng mga patakaran at alituntunin na nagsasaalang-alang ng parehong interes at alalahanin ng mga kababaihan at kalalakihan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *