Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Aurora Street, Barangay Zone IV, Koronadal City, South Cotabato nito lamang Agosto 13, 2024.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Ruben”, 32 anyos at residente ng Brgy. Luayon, Makilala, North Cotabato.

Nabatid na kasapi ang sumuko sa Guerilla Front (GF) Alip ng Far South Mindanao Regional Committee (FSMRC).

Patuloy ang pamahalaan sa panawagan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na sumuko at magsimulang muli sa piling ng kanilang pamilya. Malayo sa karahasan at puno ng pag-asa upang makamit ang isang payapa at maunlad na bansa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *