Nagsagawa ng Mental Health Awareness ang mga tauhan ng Local Government Unit ng Cotabato sa Pigcawayan National High School, Pigcawayan, Cotabato nito lamang ika-14 ng Agosto 2024.

Pinangunahan ng Mental Health Practitioner ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) ang naturang aktibidad. Nilahukan ito ng nasa 100 na mga mag-aaral mula Grade 9 to 12 kasama ang mga guro rito at mga lokal na opisyal.

Sa ilalim ng temang “Embracing Emotions,” nagbigay ng mga makabuluhang lectures sina Provicial Pyschiatrist Dr. Esper Ann CastaƱeda at Provincial Psychometrician Beryl Anne Daquipa, na naglalayong turuan ang mga kabataan kung paano tanggapin at pamahalaan ang kanilang mga emosyon, lalo na sa harap ng mga pagsubok sa buhay.

Bukod sa mga lektura, naging masigla din ang talakayan dahil nabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na magtanong at magbahagi ng kanilang mga karanasan.

Layunin ng aktibidad na magbigay ng mas malalim na pang-unawa at kamalayan sa kalusugang pangkaisipan, partikular na sa mga kabataan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *