Surigao del Norte – Isinuko ang siyam na loose firearms sa pinaigting na kampanya laban sa loose firearms ng mga awtoridad sa Surigao del Norte nito lamang ika-14 ng Agosto 2024.

Kinilala ang mga nagmamay-ari ng loose firearms na sina alyas “Ernersto”, 56 gulang, magsasaka mula sa Tubod; alyas “Orlando”, 45-anyos, magsasaka mula sa Del Carmen; alyas “Lho”, 43-anyos, trabahador mula sa Malimono; alyas “Noel”, 36-anyos mula sa Sison; alyas “Luciano”, 69-anyos, magsasaka mula sa Mainit; alyas “Albert”, 80 anyos, retiradong pulis mula sa Placer; alyas “Candido”, 55-anyos, magsasaka mula sa Bacuag; isang lalaking 30-anyos, construction worker mula sa San Benito; at isang 22-anyos na lalaking kasambahay mula sa Claver na pawang mga residente ng Surigao del Norte.

Kabilang sa mga isinuko ang dalawang unit ng improvised shotgun na may dalawang bala; dalawang unit ng improvised explosive device; dalawang unit ng hand grenades, isang unit ng homemade shotgun, isang unit ng .45 caliber pistol. (ARMSCOR) na may serial number 783364, at isang unit ng rifle grenade na may serial number M-76C-AVA-0069-89.

Patuloy naman ang panawagan ng PNP sa sinumang residente na may baril peru walang kaukulang dokumento na isuko upang maiwasan na magkaroon ng kaso.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *