Maguindanao del Norte – Tiklo ang limang indibidwal sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Nuro, Upi, Maguindanao Del Norte noong ika-14 ng Agosto 2024.
Ayon sa ulat ng PNP, bandang 3:00 ng madaling araw nang mahuli sa check point operation ang limang suspek na lulan ng dalawang unit ng Toyota.
Nasabat mula sa naturang operasyon ang may kabuuang 60 master cases ng Fort cigarettes brand na nagkakahalaga ng Php630,000.00.
Kasong paglabag sa Sec. 1401 (Unlawful Importation or Exportation) ng RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ang kakaharapin ng mga suspek.