Iba’t ibang pa premyo at pampublikong serbisyo ang handog ng Pamahalaang Lungsod ng Tagum sa pamamagitan ng isang Service Caravan nito lamang Agosto 18, 2024.
Sa pagkakataong ito, nagsilbing benepisyaryo ng naturang programa ang mga residente ng Barangay San Isidro.
Kabilang naman sa mga serbisyong handog rito ay libreng medical at eye-check, gamot, vaccination, gupit, masahe at iba pa.
Nakiisa naman rito ang Bureau of Fire Protection na nagsagawa ng Fire Safety Awareness.
Ang Service Caravan ay isang programa ng Tagum City Mayor’s Office sa pangunguna ni Alkalde Rey T. Uy, na layuning ilapit ang mga pampublikong serbisyo sa mga residente ng Tagum.
