Cagayan de Oro City- Umarangkada ang Kasalan ng Bayan sa Brgy. Indahag, Cagayan de Oro City nito lamang ika-17 ng Agosto, 2024.
Ang naturang kaganapan ay pinangunahan ni Mayor Rolando “Klarex” Uy, City Mayor ng Cagayan de Oro City katuwang si Vice Mayor Jocelyn Rodriguez at iba pang opisyal ng lungsod.
Aabot sa 102 na mag-asawa ang ikinasal at bawat mag-asawa ay nakatanggap ng libreng lechon, wedding cake, alak at 5-kilong bigas.
Lubos naman nagpapasalamat ang mga ikinasal sa pagbibigay legalidad ng kanilang relasyon para sa matatag na pundasyon ng kanilang pagsasama.