Matapos ang ilang taong paghihintay at serye ng mabusising preparasyon, mapapakinabangan na ng mga kawani at estudyante ng University of Southern Mindanao (USM)- Kabacan Main Campus ang bagong gusali para sa medical students nito lamang ika-19 Agosto 2024.

Ang nasabing proyekto na nagkakahalaga ng tinatayang P77M ay pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Act ng pamahalaang nasyonal na naglalayong mabigyan nang maayos na pasilidad ang mga mag-aaral na kumukuha ng kursong medisina at matulungang maitaguyod ang hinahangad na propesyon sa pamamagitan ng komportable at makabagong pasilidad.

Nakiisa din sa naturang turnover si USM President Dr. Francisco Gil N. Garcia at Governor Emmylou “Lala” J. TaliƱo-Mendoza, binigyang diin din ng butihing gobernadora ang kahalagahan ng edukasyon na aniya ay isa sa mga makakatulong upang mapangalagaan at maproteksyunan ang kapakanan at karapatan ng bawat mamamayan.

Layunin nito na magkaroon ng maayos na pasilid na magagamit ng mga medical student upang maging “future medical practitioners” ang kanilang mga hangarin sa buhay at kalaunan ay mapaangat ang estado ng kanilang pamumuhay.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *