Inilunsad ang Oplan Sagip Mata Program kasabay ang Foundation Day ng Mariano Petalta National High School nito lamang Agosto 17, 2024 sa Barangay Poblacion, Malita, Davao Occidental.

Ang programang ito ay pinangunahan ni Dr. Prudencio S. Colona kung saan handog nito ang libreng optical check-up at libreng salamin para sa mga nangangailangan nitong mag-aaral at guro mula sa nasabing paaralan.

Ligtas naman itong nagtapos sa tulong ng 1st Davao Occidental Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel De Quincio R. Pante, Force Commander na tiniyak ang seguridad hanggang sa pagtatapos ng nasabing aktibidad.

Dagdag pa, ang 1st DOcPMFC ay naglalayong palakasin ang ugnayan sa pagitan ng mga stakeholders, mga unipormadong tauhan, at mga mamamayan sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan upang matugunan ang mga pangangailangan ng komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *