Ipinagdiwang ng mga residente ng Kidapawan ang Timpupo Festival 2024 sa Barangay Poblacion, Kidapawan City, Cotabato nito lamang ika-18 ng Agosto 2024.
Nagkaroon ng Fruit Float Parade na umabot sa 1,500 meters ang haba ng lamesa kung saan inihain ang abot sa 25,000 kilos ng prutas na sabay-sabay na kakainin ng mga nais makiisa sa pagdiriwang.
Ang Timpupo Festival ay nagmula sa lokal na salitang timpupo para sa pagkuha, pag-aani, o panahon ng pag-aani.
Sa mga Manobo, nangangahulugan din ito ng masaganang ani.
Ito ay unang isinagawa noong 2001.
Ang taunang kaganapang ito ay nilalayon din na lumikha ng mga pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga supplier at mangangalakal.
Ito din ay bilang pasasalamat ng mga magsasaka ng Kidapawan sa kanilang masaganang ani sa mga prutas na kanilang itinatanim.