Cotabato City – Nasakote ang isang lolo at nakumpiska ang mga baril at bala sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Blk 19, Barangay Rosary Heights 8, Cotabato City noong ika-17 ng Agosto 2024.

Kinilala ang suspek na si alyas “Kasan” 62 anyos at residente ng naturang lugar.

Narekober ng pulisya ang isang unit Caliber .45 na may serial number 700178; dalawang magazine; 27 piraso ng Caliber .45 live ammunition; isang improvised shotgun na walang serial number; apat na piraso ng 12 gauge shotgun ammunition; isang steel cleaning brush; isang spring; isang inside holster; isang tactical belt; dalawang M2O3 40mm ammo; at sampung M14 7.62mm ammo.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 28 ng RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Section 1 ng RA 9516 o penalty of Reclusion perpetua kaugnay ng PD 1866.

Patuloy ang PNP sa pagpapigting sa kampanya laban sa loose firearms para maiwasang gamitin sa anumang uri ng krimen at mapanatiling ligtas ang komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *