Butuan City- Timbog ang isang magsasaka sa kasong Rape sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Purok 28, Barangay Tungao, Butuan City bandang 9:05 ng umaga nito lamang ika-21 ng Agosto, 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Allan”, 33 anyos, may asawa, magsasaka, at residente ng nabanggit na lugar.
Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa ilalim ng Criminal Case No. 2024-915 na inisyu ng Presiding Judge ng RTC 10th Judicial Region, Branch 3, Libertad, Butuan City para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang Butuan City PNP sa pagpapatupad sa batas upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng ating pamayanan.