Maguindanao del Norte- Nasabat ang tinatayang Php5,054,000.00 halaga ng puslit na sigarilyo habang arestado ang dalawang lalaki sa isinagawang check point operation ng mga otoridad sa Brgy. Kenebeka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nito lamang ika-25 ng Agosto 2024.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Ryan” 33 anyos, at si alyas “Baron” 48 anyos na pawang residente ng Davao City. Bandang 8:30 ng gabi, nang makatanggap ang pulisya mula sa isang confidential informant tungkol umano sa isang sasakyan na lulan ang mga pinaniniwalaang puslit na sigarilyo at agarang ikinasa ang naturang operasyon na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mga kahong-kahon na smuggled na sigarilyo.
Nakuha mula sa operasyon ang 133 kahon ng New Berlin Cigarettes brand, walang BIR stamps, at walang malinaw na graphic warning components na may market value na Php38,000 kada kahon at may kabuuang halagang Php5,054,000.00.
Kasong paglabag sa Sec. 1401 (Unlawful Importation or Exportation) ng RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ang kakaharapin ng mga suspek.
Patuloy ang PNP sa pagtugis upang managot ang taong nasa likod ng pagpuslit ng yosi at nanawagan ng kooperasyon ng mamamayan upang matuldukan ang mga iligal na gawain sa lipunan.