Misamis Occidental- Timbog ang isang babae na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa kasong Attempted Murder sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Misamis Occidental nito lamang ika-26 ng Agosto 2024.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Wowie”, 52 anyos, babae at residente ng Purok 7, Brgy. Lalud Don Victoriano, Misamis Occidental.

Nahuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Attempted Murder na may docketed number na 29-2022 na inisyu ni Honorable Gemabell Laplap Manisan,Presiding Judge ng Municipal Circuit Trial Court,10th Judicial Region,Calamba-Baliangao, Misamis Occidental.

Ang paghina ng komunistang grupo ay sinyales na epektibo ang kampanya ng pamahalaan na tuldukan ang insurhensya at terorismo tungo sa isang layunin na progresibong bansa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *