Cagayan de Oro City- Naging overall champion ang Barangay Carmen sa 11 contingents sa ritual showdown ng Higalaay Festival Street Dancing Competition sa Pelaez Sports Complex nito lamang ika-26 ng Agosto 2024.
Bilang kampeon sa ritual showdown, ang barangay Carmen ay tatanggap ng kabuuang Php400,000,00 habang ang Barangay Gusa na naging 2nd runner up ay tatanggap din ng Php300,000, at ang barangay Baikingon ay tatanggap din ng Php200,000 bilang 3rd runner up.
Nanalo rin ang Barangay Carmen ng DITO’s choice award at Minute Burger’s choice award.
Sa kabilang banda, para sa street dancing, nanalo ang barangay Gusa ng 1st place at nakatanggap ng premyong Php50,000.00, 2nd placer ang barangay Puerto na may premyong Php40,000.00, at 3rd placer din ang barangay Macabalan na nakakuha ng Php30,000.00.
Nagpaabot ng pasasalamat si City Mayor Rolando ‘Klarex’ Uy, sa aktibong partisipasyon ng mga barangay na naging matagumpay sa Higalaay Street Dancing Competition, lalo na ang 11 contingents mula sa Nazareth, Canitoan, Clustered barangays, Carmen, Puerto, Bugo, Lapasan, Cugman, Baikingon, Macabalan at Gusa.
Layunin ng aktibidad na isulong ang pisikal na kalusugan, pagkakaisa, at talento ng mga kalahok na nagpapatibay ng damdamin ng pagkakaisa at pagmamalaki sa komunidad.