Nagsagawa ng Color Fun Run ang Pamahalaang Lokal ng Sulop na may temang “Iskolar ng Bayan Color Fun Run para sa Kalikasan” nito lamang Agosto 26 bilang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2024.

Aktibong nakiisa naman rito hindi lamang Sangguniang Kabataan ng Sulop kung hindi pati na rin ang mga residente ng nasabing lugar.

Hindi naman nagpahuli ang Sulop Municipal Police Station na nakisali rin at naghandog ng ligtas na pagtatapos ng naturang aktibidad.

Layunin ng aktibidad na itaguyod ang malusog na pamumuhay, kamalayan sa kapaligiran, at pakikilahok ng mga kabataan sa komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *