Kitaotao, Bukidnon – Tiklo ang isang welder sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa kasong pagnanakaw nito lamang ika-26 ng Agosto 2024 sa P-2, PoblaciĆ³n, Kitaotao, Bukidnon.

Kinilala ang suspek na si alyas “Dongdong”, 33 anyos, may asawa, welder at residente ng P-2 PoblaciĆ³n, Kitaotao, Bukidnon.

Nabatid na bandang 5:05 ng hapon naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na may criminal case no. 12793-24-P sa kasong pagnanakaw.

Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng katahimikan at kapayapaan sa ating pamayanan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *