Cagayan De Oro City – Matagumpay na isinagawa ang Higalaay Festival Fluvial Procession na dinaluhan ng iba’t ibang barangay at stakeholders na ginanap sa Cagayan De Oro City nito lamang Agosto 28, 2024.
Ipinakita sa aktibidad ang iba’t ibang makukulay na costumes at props bilang represintante ng kanilang barangay.
Kabilang rin dito ang mga nanalo ng Pageants sa lungsod at sinaksihan ang Kagay-anon at nanood ng prusisyon ang mga nasa malapit na lugar.
Layunin ng aktibidad na magkaisa at panatilihin ang kultura at tradisyon ng kanilang lungsod.
Nagbibigay ito ng pagkakataon para magtipon ang mga tao at magkaisa sa kasiyahan. Bukod dito, nag-aalok ang mga festival ng aliw at kasiyahan sa mga dumadalo.