Iligan City- Walang tigil ang paghatid tulong ng Pamahalaan Lokal ng Iligan City sa isinagawang Serbisyong Iliganon Caravan sa Brgy. Upper Tominobo, Iligan City nito lamang ika-28 ng Agosto, 2024.

Aktibo itong nilahukan ng City Engineers Office, Philhealth, Special Action Force, City Information Office, Task Force Iligan City, at Social Security System

Mahigit 350 benepisyaryo ang napasaya sa iba’t ibang serbisyo tulad ng libreng tuli, late birth certificate registration,serbisyong pangkalusugan, livelihood,libreng seedlings at ibat-iba pang pangunahing pangangailangan.

Layunin nito na makatulong sa mga komunidad na nasa malalayong lugar o mga lugar na may limitadong access sa mga serbisyong pampubliko at magsulong ng pantay-pantay na oportunidad para sa lahat.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *