Cagayan de Oro City- Pinarangalan ang naging kampeon,. ang CLIMBS Life and General Insurance Cooperative sa siyam na nakilahok sa nasabing Float Competition ng Higalaay Festival nito lamang ika-27 ng Agosto 2024.
Nakuha ng CLIMBS Life and General Insurance Cooperative ang unang gantimpala na Php500,000.00 at tropeo sa isinagawang Float Competition sa Civic Military Parade.
Samantala, pumapangalawa naman ang Gaisano chain stores na may gantimpala Php300,000.00 at tropeyo at sa pangatlong pwesto naman ay ang Brgy. Nazareth na may gantimpala na Php200,000.00.
Pormal na nagbigay ng papremyo sa mga nanalo sa nasabing paligsahan sina Mayor Rolando ‘Klarex’ Uy, Vice Mayor Jocelyn Rodriguez kasama ang mga miyembro ng 20th City Council.
Sa taong ito ay mayroong anim pa na mga establishemento na nakilahok sa nasabing Float Competition. Ito ay ang Jollibee,Barangay Baikingon,Palawan Pawnshop, Brgy. Carmen, Brgy. Agusan at Brgy. 40.
Layunin ng aktibidad na palaguin pa ang pagkakaisa at pagkakaibigan at mas lalo pang maipamalas ang kani-kaniyang mga talento na bigay ng Poong Maykapal. Pag-ibayuhin pa ang pagmamahalan ng bawat Kagay-anon para sa paglago ng lungsod.