Matina, Davao City- inilunsad ng Talomo Police Station 3 ang pinakabagong crime prevention strategy na TODA SOLUSYON (Samahan ng mga Operators, Local Drivers, at Kapulisan Upang ma Solusyunan ang mga Krimen) sa A. Mabini Elem. School, Bangkal, Davao City nito lamang Hulyo 05, 2023.
Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng mahigit kumulang 300 TODA Leaders ng Brgy. Matina Pangi, Talomo, Matina Crossing at Catalunan Grande na ngayon ay magsisilbing force multipliers ng Talomo Police Station 3 sa ilalim ng TODA SOLUSYON.
Layunin nitong maorganisa ang lahat ng miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) na maging bahagi sa anti-criminality efforts ng PNP. Sa pamamagitan nito, magsisilbing “mata at tenga” ng pulisya laban sa mga kahina-hinalang tao sa kanilang lugar at makikikilos din bilang “active reporters” kung magkakaroon ng mga ilegal na transaksyon na alam nilang talamak sa kanilang lugar.
Ang mga dumalo ay nanumpa at nangako na ibibigay ang kanilang sarili at tutulong sa Police Station 3 Talomo.
Dumalo rin sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang transport implementing agencies tulad ng LTO XI, LTFRB, CTTMO at kani-kanilang barangay officials na pawang nagpaalala sa kanila tungkol sa batas trapiko at parusa. Lumahok din ang Talomo District Health Office (CHO) at nagbigay ng mga gamot at bitamina para sa mga driver.
Ang mga miyembro ng TODA SOLUSYON ay umuwi na may ngiti sa kanilang mga labi dahil sa pagbibigay aliw ng PS3-Social Media Influencer na si Master Inday Tanini at XFM 97.9 DJ na si Capitan Tyago, sa kanilang mga kapana-panabik na parlor games na may mga premyo. Ang mga meryenda at papremyo ay ibinigay ng mga aktibong stakeholders.
Ang mga miyembro ng TODA ay binigyan din ng food packs na mula sa Dumper Partylist at nangako din itong bibigyan ng Php 2,000 cash ang mga dumalo sa aktibidad.
Samantala, nagbigay naman ng mensahe si Police Colonel Alberto P Lupaz, City Director ng Davao City Police Office na Panauhing Pandangal, na ang kooperasyon ng pamahalaan at ng transport groups ay lubos na kailangan sa pagsisikap tungo sa kapayapaan at seguridad ng bansa.