Cagayan de Oro City- Nagbalik-loob ang 43 na dating miyembro ng New People’s Army (NPA) sa pamahalaan kasabay ng pagbisita ng Hepe ng Pambansang Pulisya sa Camp Vicente Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang Sabado, Hulyo 8, 2023.
Pinangunahan ni Police General Benjamin Acorda Jr., Chief, PNP, ang pormal na pagbabalik-loob ng mga dating rebelde at kasabay nito ang pagsuko ng kani-kanilang matataas na kalibre ng mga armas gayundin ang iba pang kagamitang pandigma.
Samantala, nakatanggap ng tulong pinansyal at food packs ang dating mga miyembro ng NPA at nagpasalamat sa lahat ng tulong na binibigay ng pamahalaan upang makabangon sa pagka-lugmok dahil sa maling ideolohiya ng makakaliwang grupo na hadlang sa pagkamit ng katahimikan at kaunlaran ng ating inang bayan.