North Cotabato- Matagumpay na naisagawa ang Rido settlement ng dalawang pamilyang Abdul, Dulangan, Serie Family at Maniri, Sultan, Pangumpig Family na residente ng Wao, Lanao del Sur at Banisilan, North Cotabato na ginanap sa Training Center, Banisilan, North Cotabato nito lamang ika-5 ng Setyembre 2024.
Ang naturang aktibidad ay sinuportahan ni Sangguniang Bayan Hon. Salic Abantas, Municipal Councilor; ABC Diamel H. Ali, Chairman Council of Elders of Province of Lanao del Sur; Ministry of Public Order and Safety; at aktibong dinaluhan ng mga personahe ng Wao Municipal Police Station at Bansilan Municipal Police Station.
Layunin ng rido settlement ay upang tuldukan ang alitan o hidwaan sa pagitan ng mga pamilyang sangkot, pagkamit ng kapayapaan, pagkakasundo at pagtutulungan, at pagpapatibay ng pagsang-ayon sa anumang mga napagkasunduan.
Sa tulong ng PNP at suporta ng mga mamamayan ay patuloy na magsasagawa ng mga hakbang upang maibalik ang tiwala, kapayapaan, at kaayusan sa komunidad.