Matagumpay na idinaos ang Kasalan ng Bayan sa Brgy. 17, Cagayan de Oro City nito lamang Setyembre 7, 2024.
Ang naturang seremonya ay pinangunahan ni Majority Floor Leader Ed Cabanlas, City Councilors Dr. Malou Gaane and Yan Lam Lim, City Administrator Atty.Roy Hilario Raagas, City Mayor’s Chief of Staff Sheila Lumbatan at mga Brgy Officials.
Aabot sa 26 na pares ang ikinasal at bawat mag-asawa ay nakatanggap ng tig-iisang lechon, wedding cake, alak at 5-kilong bigas.
Hindi maipinta ang kasiyahan ng mga ikinasal sa pagbibigay legalidad ng kanilang pagsasama para sa matatag na pundasyon ng kanilang pagsasama.