Masigasig na nagtipon ang mga Tagumenyong atleta mula sa iba’t ibang sports club noong Setyembre 7, 2024 sa Rotary Park, para sa pagbubukas ng Sporta Ta Uy: Tagum City Sports Tournament ngayong taon.
Opisyal na inilunsad ang iba’t ibang sports competition sa dance sports, gymnastics, volleyball, long board, tennis, at badminton, na magtatagal sa siyudad hanggang Disyembre ngayong taon sa ilalim ng Sports Ta Uy.
Dumalo naman rito si Exec. Asst. Ciara Isabelle Uy-Salazar bilang kinatawan ni Mayor Rey T. Uy, kasama si Councilor Jun Coquilla, at si Ms. Wes Caasi bilang kinatawan ni Councilor Joedel Caasi.
Ang inisyatibong ito ng Lokal na Pamahalaan ng Tagum ay isang paraan upang bigyan ng pagkakataon ang ating mga atleta na paunlarin ang kanilang talento, pati na rin upang hikayatin ang iba na maging interesado sa sports.