Sarangani – Sumuko ang tinaguriang Liaison Officer ng New People’s Army (NPA) sa pamahalaan sa Brgy. New La Union, Maitum, Sarangani Province nito lamang Biyernes, ika-8 ng Hulyo 2023.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Yoyo”, 27-anyos, nanilbihan bilang Intel/Liaison/Courier ng NPA mula sa West Musa, Far South Mindanao Region at residente ng Tambilil, Kiamba, Sarangani.
Kasabay ng pagbabalik loob n alyas “Yoyo” ay isinuko nito ang kanyang armas na improvised 9mm machine pistol na may kasamang magazine at 10 live ammunition.
Hinikayat naman ng pamahalaan ang iba pang miyembro ng NPA na sumuko para mabigyan ng pagkakataon na makapagbagong buhay, makapamuhay ng tahimik at mapayapa kasama ang kanilang mga pamilya.